Ipinasang budget ng Kongreso dapat munang pag-aralan ng pangulo bago lagdaan

By Erwin Aguilon December 16, 2019 - 12:03 PM

Hinikayat ng Makabayan Bloc si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan munang maigi ang ipinasang P4.1T 2020 national budget bago ito lagdaan.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, kung totoo ang alegasyon ni Senator Panfilo Lacson na may P83.219 Billion na isiningit sa huling minuto bago aprubahan sa bicam ang pambansang pondo ay dapat nga na aralin muna ito ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Zarate na kaduda-duda ang bicam report dahil karamihan ng mga proyekto tulad ng flood control ay walang detalye.

Sinabi naman ni ACT Teachers Rep. France Castro na wala silang oras para basahin at i-review ang bicam committee report.

Sampung minuto bago ratipikahan ito sa plenaryo ay saka lamang sila nabigyan ng kopya ng bicam report.

TAGS: Bicam, bicam committee report, Ipinasang budget, Makabayan bloc, P4.1T 2020 national budget, Rep Carlos Zarate, Rep. France Castro, Rodrigo Duterte, Bicam, bicam committee report, Ipinasang budget, Makabayan bloc, P4.1T 2020 national budget, Rep Carlos Zarate, Rep. France Castro, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.