Sa lingguhang forum na Tapatan, inamin ni Atty Sonny Matula, chairman ng grupong Nagkaisa at presidente ng Federation of Free Workers, na bumaba ang bilang ng mga manggagawang lumalahok o sumasali sa mga trade union.
Malaking bilang na rin aniya ng mga labor leader ang nawala lalo na at maraming napaslang at yaong mga buhay naman ay nakararanas ng harassment o panggigipit.
Maliban dito, sinabi ni Matula na maaaring natatakot ang ibang mga labor worker na sumali sa mga trade union na sila ay mabansagang mga komunista lalo na at matindi ang red tagging na kampanya ng pamahalaan laban sa mga labor union.
Samantala, dinagdag ni Matula na mayroong 43 na trade union leaders ang napaslang sa nakalipas na tatlong taon ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas ang mga kaso ng pagkamatay.