Bilang ng mga sumasali sa Trade Unions bumaba ayon sa isang Labor Leader

By Ricky Brozas December 16, 2019 - 11:51 AM

Mistulang nanlamig na ang mga manggagawang nakikilahok sa mga labor union at mga pagkilos kaugnay sa mga unfair labor practice.

Sa lingguhang forum na Tapatan, inamin ni Atty Sonny Matula, chairman ng grupong Nagkaisa at presidente ng Federation of Free Workers, na bumaba ang bilang ng mga manggagawang lumalahok o sumasali sa mga trade union.

Malaking bilang na rin aniya ng mga labor leader ang nawala lalo na at maraming napaslang at yaong mga buhay naman ay nakararanas ng harassment o panggigipit.

Maliban dito, sinabi ni Matula na maaaring natatakot ang ibang mga labor worker na sumali sa mga trade union na sila ay mabansagang mga komunista lalo na at matindi ang red tagging na kampanya ng pamahalaan laban sa mga labor union.

Samantala, dinagdag ni Matula na mayroong 43 na trade union leaders ang napaslang sa nakalipas na tatlong taon ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas ang mga kaso ng pagkamatay.

TAGS: Atty Sonny Matula, chairman ng grupong Nagkaisa at presidente ng Federation of Free Workers, Trade Unions, unfair labor practice., Atty Sonny Matula, chairman ng grupong Nagkaisa at presidente ng Federation of Free Workers, Trade Unions, unfair labor practice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.