Mga demonstrador sa Hong Kong pinaulanan ng tear gas ng mga pulis
Nagpaulan ng tear gas ang mga pulis laban sa mga nagpoprotesta sa Mongkok district sa Kowloon sa Hong Kong bago simulan ang pagpupulong lunes ng Dec. 16, 2019 sa pagitan ng mga lider ng teritoryo at Communist party officials.
Dahil dito ay humupa ang tensiyon sa tila regular nang sagupaan sa pagitan ng riot squads at mga demonstrador.
Pawang may bitbit na mga placard ang mga demonstrador na nagsasaad ng kanilang limang demands sa ika-anim na anibersaryo ng lalaki na namatay habang nagkakabit ng karatula ng kanilang protesta laban sa extradition bill linggo ng Dec.15,2019.
Sabi ng mga pulis, binato ng mga nagpoprotesta ng bricks ang kanilang hanay at sinunog din ang mga traffic cones ng kanilang police vehicle.
Nagsunog din ang mga ito, hinarangan ang mga kalye at hinampas ang traffic lights ng martilyo.
Makikita sa video habang iniispreyhan ng mga truncheon-wielding riot officers ng pepper spray ang isang lalaki na kagrupo ng mga mamamayahag at ibitin ito habang binubugbog.
Nag-ugat ang naturang karahasan ng komprontasyon shopping malls madling araw ng linggo, kung saan nagpa-ulan din ng pepper spray at inaresto ang ilan sa mga demonstrador na nagpakalma sa sagupaan ng ilang linggo sa pagitan ng police at protesters.
Nag-udyok sa protesta ay ang sumbong umano ni Hong Kong leader Carrie Lam kay President Xi Jinping ng sitwasyon sa semi-autonomous Chinese territory.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.