TNT pinataob ang Meralco sa pag-arangkada ng 2019 PBA Governors’ Cup semifinals

Tinalo ng TNT ang Meralco sa laban nila linggo ng gabi sa score na 103-94 sa 2019 PBA Governors’ Cup semifinals sa Araneta Coliseum.

Nanguna si KJ McDaniels ng KaTropa sa 38 points at 14 rebounds habang si Jayson Castro ay nagpamalas ng all-around performance na 17 points, eight rebounds, at seven assists.

“That’s only the first game. I feel like this is going to be a long series,”sabi ni TNT coach Bong Ravena, na ang koponan ay gumanansiya ng crucial 1-0 headstart sa race-to-three duel.

“We are glad that we won the first game—which is very important. But there’s nothing to celebrate,” dagdag pa nito. “We have to [continue finding] ways in stopping (Allen) Durham,” saad ni Ravena.

Ang do-it-all import naman ng Meralco ay naibuslo ang 32 points at 21 rebounds, habang si Chris Newsome ay nagdagdag ng 14 pang puntos. Pero hindi iyon naging sapat para talunin ang TNT, na naggupo ng twin digit scores mula sa tatlo sa mga bagito nilang manlalaro na sina Roger Pogoy, Ray Parks at Troy Rosario.

Pursigido ang iTNT na makakamit nila ang 2-0 series lead sa laban nila sa Martes, alas 7:00 ng gabi sa the Big Dome.

Excerpt: panalo ang TNT laban sa Meralco sa score na 103-94

Read more...