2 patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

By Rose Cabrales December 16, 2019 - 09:57 AM

Patay ang isang babae at isang lalaki sa pamamaril ng lalaking nakamotorsiklo sa Rodriguez Street, Tondo, Maynila, alas-5:43 Linggo ng umaga (December 15).

Nakilala ang mga nasawi na sina Rina Lopez, 31 taong gulang at Jairus Mendez, 22 taong gulang na sakay ng motor habang pauwi sa QC mula sa isang lamayan sa Maynila.

Ayon kay Cpl. Camilo Ross Cunanan ng Manila Police District (MPD) homicide department, nakuhanan ng CCTV ang supek pero hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan dahil may suot itong helmet.

Ayon sa pamilya ni Lopez, mahilig magsugal ang biktima at nanalo ng P20,000 sa sugal sa lamay na pinuntahan nila bago mangyari ang pamamaril.

Sinabi naman ng pamilya ni Mendez na wala silang maisip na dahilan ng pagpatay sa biktima.

Ayon sa pamilya ng dalawang biktima, hindi nila alam kung may natanggap na death threat ang dalawa bago mangyari ang pamamaril.

Nilinaw naman ni Cunanan na walang kinuha ang suspek sa mga biktima.

TAGS: 2 patay, Maynila, Pamamaril, Tondo, 2 patay, Maynila, Pamamaril, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.