Assessment at validation sa mga ospital sa Davao del Sur tinututukan ng DOH

By Ricky Brozas December 16, 2019 - 09:22 AM

Nakatutok na ang Department of Health o DOH sa sitwasyon sa mga ospital na apektado ng malakas na magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Davao del Sur at naramdaman sa iba’t ibang panig ng Mindanao kahapon.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nagpapatuloy ang ginagawang assessment at validation ng DOH.

Kinukumpleto na aniya ng DOH ang listahan ng mga ospital at iba pang pasilidad na napinsala dahil sa lindol.

Pero sa inisyal na ulat na nakarating sa DOH, sinabi ni Cabotaje na nagkaroon ng minor damages sa Malungon Rural Health Unit sa Saranggani.

Mayroon ding nai-ulat na mga pasyente na inilabas mula sa Davao del Sur Provincial Hospital, na ngayon ay nananatili muna sa ilang tents.

Ayon kay Cabotaje, isa rin sa mga prayoridad ng DOH ay ang mga pasyente, lalo na ang mga buntis o mga ina na nanganak at kanilang mga sanggol, mga nakatatanda at mga may mabigat na karamdaman.

Tiniyak din ng opisyal na handa ang DOH na tumulong sa mga nabiktima ng lindol.

TAGS: Davao del Sur quake, department of health, magnitude 6.9 na lindol sa Mindanao, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Davao del Sur quake, department of health, magnitude 6.9 na lindol sa Mindanao, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.