outbrain

Kapatid ng dating konsehal sa Bacolod City, patay sa pamamaril

By Angellic Jordan December 15, 2019 - 07:25 PM

Patay ang isang negosyante makaraang pagbabarilin sa Bacolod City, Linggo ng umaga.

Sa ulat ng Bacolod City Police Office, nakasakay ang biktimang si Roberto “Kaishek” Lo Tan, 70-anyos, sa kaniyang Nissan Sentra nang biglang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa CLMontelibano Drive sa Barangay Estefania bandang 9:45 ng umaga.

Ang biktima ay kapatid ng dating konsehal sa Bacolod na si Ricardo “Cano” Tan.

Mabilis namang nakatakas ang mga responsable sa krimen.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pamamaril.

TAGS: ambush, bacolod city, Ricardo “Cano” Tan, Roberto “Kaishek” Lo Tan, ambush, bacolod city, Ricardo “Cano” Tan, Roberto “Kaishek” Lo Tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.