Homecoming parade ni Miss Universe Pia Wurtzbach, bukas na, Jan.25

Pia4Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority sa publiko na asahan na ang matinding daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa lungsod ng Makati bukas, araw ng Lunes.

Ito ay dahil sa isasagawang homecoming parade ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ayon sa MMDA, magsisimula ang homecoming parade ni Pia sa Sofitel Hotel sa Pasay ganap na alas dos ng hapon.

Dahil dito, pansamantalang isasara sa trapiko ang northbound lane ng Ayale Avenue simula Buendia patungong EDSA sa ganap na 3:30 ng hapon bukas.

Narito ang magiging ruta ng parada simula Sofitel:

Left turn to Atang Dela Rama Street
Right to Vicente Sotto Street
Left to F. Ma. Guerrero Street
Right to Bukaneg Street
Left to Roxas Boulevard
Right to Padre Burgos Street towards Taft Avenue
Right to Finance Road
Right turn to Taft Avenue
Right turn to Quirino Avenue
Left to Roxas Boulevard
Left to Sen. Gil Puyat Avenue
Left to Ayala Avenue
U-turn to Ayala – Makati Fire station going to Ayala Avenue to Rustans

Bukod dito, nakatakda din bumisita si Pia sa Malakanyang at Senado para sa kanyang courtesy call.

Mula Makati City, inaasahang tutungo si ang convoy ng Miss Universe sa Araneta Center sa Quezon City para sa isang press conference.

Noong Sabado, bumalik sa bansa si Wurtzbach isang buwan matapos masungkit nito ang korona ng Miss Universe 2015.

Si Wurtzbach ang ikatlong Filipina na nakapag-uwi ng Miss Universe crown kasunod nina Margarita Moran at Gloria Diaz.

Read more...