Amihan, patuloy na nakakaapekto sa Northern at Central Luzon – PAGASA
Bahagyang humina ang hanging dala ng Northeast Monsoon o Amihan, ayon sa PAGASA.
Batay sa weather update bandang 5:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na nakakaapekto ang Amihan sa Northern at Central Luzon.
Dahil dito, asahan na aniyang mararanasan ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon.
Samantala, easterlies naman mula sa Pacific Ocean ang umiiral sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Makararanas aniya ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang buong Mindanao.
Sinabi pa ni Aurelio na magiging bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan ang iiral sa nalalabing parte ng bansa kasama na ang Metro Manila.
Wala rin aniyang nababantayang bagyo o low pressure area sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.