Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na dapat ding maging alerto ang publiko kasunod ng mga inaasahang aftershocks.
Hinikayat din aniya ng Office of the President ang publiko na iwasang magkalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng alarma at panic sa mga apektadong komunidad.
Tiniyak ng Palasyo na nakatutok ang gobyerno sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Phivolcs para bantayan ang sitwasyon sa Davao del Sur.
Ipinag-utos na rin aniya sa lahat ng ahensya ng gobyerno na rumesponde at ibigay ang mga pangangailan sa mga apektadong lugar.