LTFRB offices sa Mindanao, maayos pa rin matapos ang malakas na lindol

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maayos pa rin ang mga opisina sa Mindanao.

Ito ay sa kabila ng tumamang 6.9 magnitude na lindol sa Davao del Sur,

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, walang naitalang pinsala sa kanilang mga tanggapan sa Regions 11 at 12.

Wala rin aniya silang natanggap na ulat na mayroong mga terminal na bus na nasira sa mga nasabing rehiyon.

Naramdaman ang malakas na pagyanig sa mga karatig-bayan sa Mindanao.

Read more...