Lima, kabilang ang umano’y NPA commander, patay sa engkwentro sa Sorsogon
Patay ang limang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Matnog, Sorsogon Linggo ng umaga.
Ayon kay Maj. Ricky Aguilar, hepe ng Infantry Division public affairs ng Philippine Army, sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa bahagi ng Barangay Tugas bandang 7:15 ng umaga.
Kabilang aniya sa mga nasawing rebelde ang umano’y commanding officer ng NPA Sentro De Garbidad (SDG), Larangan 2 na si Robert Estiller alyas “Cindy” o “Meo.”
Ang nasabing grupo ay nag-ooperate sa bahagi ng Sorsogon.
Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang apat na matataas na kalibre ng baril.
Dinala na ang katawan ng lima sa kustodiya ng Philippine Army para mai-turnover sa Matnog police.
Samantala, patuloy naman ang pursuit operation ng militar para mahuli ang mga nakatakas na rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.