Bilang ng nasawi sa pag-atake ng NPA sa Borongan, Eastern Samar umabot na sa 3

By Angellic Jordan December 14, 2019 - 07:47 PM

Facebook photo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pag-atake ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Borongan, Eastern Samar.

Ayon kay Lt. Col. Maria Bella Rentuayan, tagapagsalita ng Police Regional Office in Eastern Visayas (PRO 8), nasawi ang isa sa 12 nasugatan sa ambush.

Pumanaw aniya si Anthony Balayanto, 50-anyos, habang nasa ospital, Sabado ng umaga.

Pinasabugan ng rebeldeng grupo ang sakay na patrol car ng mga pulis gamit ang improvised explosive device (IED) at saka pinaulanan ng bala sa bahagi ng Barangay Libutan.

Nadamay dito ang mga sibilyan na nakasakay naman sa dalawang tricycle at isang van.

Hinikayat naman ni Rentuayan ang mga residente na agad i-report sa mga otoridad kung mayroong impormasyon sa kinaroroonan ng hindi bababa sa 50 rebelde na nakatakas sa krimen.

TAGS: Anthony Balayanto, Borongan, eastern samar, NPA, NPA attack in Eastern Samar, PRO8, Anthony Balayanto, Borongan, eastern samar, NPA, NPA attack in Eastern Samar, PRO8

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.