P6.8-M halaga ng shabu, nakumpiska sa 3 drug suspects sa Zamboanga City
Nasamsam ang mahigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Zamboanga City noong Huwebes, December 12.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 9 (PDEA RO IX), isinagawa ang operasyon sa isang pension house sa Gov. Camins Avenue, bandang 8:00 ng gabi.
Nahuli sa operasyon ang mga suspek na sina Nurhasan Tawasil Atari, 31-anyos; Nur-hati Imlan Ajibon, 42-anyos; at Edzmer Mangsan, 26-anyos.
Samantala, nakataas naman ang isa pang kasamahan ng tatlo na nakilala lamang sa alyas na “Issa.”
Nakuha sa mga suspek ang isang puting transparent vacuum-sealed plastic na may nakasulat na “AAA” na nakasilid sa isang tea pack na may label na “Guanyinwang.”
Nagkakahalaga ang ilegal na droga ng P6,800,000.
Nakuha rin sa mga suspek ang 15 bundles ng boodle money, isang P1,000 na ginamit bilang buy-bust money, paper bag, sando bag, at ilang cell phone.
Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.