Presyo ng produktong petrolyo, muling babawasan
Muli na namang magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng oil price rollback ngayong linggo.
Batay sa mga source mula sa oil industry, posibleng higit sa piso (P1.00) ang kaltas sa kada litro ng diesel.
Meron ding inaasahang bawas-presyo sa gasolina at kerosene.
Noong nakalipas na lingggo, nagpatupad ang mga kumpanya ng big-time price reduction sa mga produktong petrolyo.
Nasa piso (P1.00) ang tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.50 per liter sa diesel, habang P1.25 sa bawat litro ng kerosene.
Ang oil price rollback ay bunsod ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.