Mayor Belmonte, tiniyak na kontrolado na ang ASF sa Quezon City

By Angellic Jordan December 14, 2019 - 07:04 PM

Kontrolado na ang mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Quezon City, ayon kay Mayor Joy Belmonte.

Tiniyak ito ng alkalde matapos ang isang buwan na walang nagpositibo sa blood test sa nasabing sakit sa baboy sa lungsod.

Wala rin aniyang naitalang kaso ng nasawing baboy bunsod ng ASF simula noong November 13.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Belmonte na resulta ito ng pagtutulungan para malabanan ang nasabing sakit.

Nagturo rin aniya ito ng aral na ang makabubuti ang magiging transparent at pagbibigay ng pagkakataon sa mga residente na makatulong sa sitwasyon.

Magpapatuloy naman aniya ang disinfection process sa lungsod para masigurong hindi na babalik ang nasabing sakit sa baboy.

TAGS: African Swine Fever, Mayor Joy Belmonte, quezon city, African Swine Fever, Mayor Joy Belmonte, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.