Higit 1,000 nakapasa sa PNPA College Admission Test

Mahigit-kumulang 1,000 ang nakapasa sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test (PNPACAT) 2019.

Ayon sa PNPA, nasa 1,341 examiness mula sa 17,482 ang nakapasa sa eksaminasyon na ginawa sa 31 testing centers sa bansa noong November 10.

Dahil dito, sasalang na ang mga nakapasa sa susunod na yugto ng pagpili para sa PNPA Cadetship.

Kabilang dito ang Neuro-Psychiatric Examination, Medical and Dental Examination, Physical Fitness Test, at Panel Interview para madetermina ang kanilang physical at mental capacity bago pumasok sa apat na taong pagsasanay.

Ayon kay PNPA Director MGEN Jose Chiquito Malayo, istriktong ipatutupad ang proseso sa mga aplikante.

Pagbabasehan aniya ng pagpili sa mga aplikante ang merit at ranking system mula sa kanilang overall performance sa screening process.

Posible naman aniyang umabot sa mahigit-kumulang 350 na kadete ang makakapasok sa Bachelor of Science in Public Safety (BSPS) Batch of 2024.

Read more...