PNP, kinondena rin ang pag-atake ng NPA sa Eastern Samar
Mariin ding kinokondena ang Philippine National Police (PNP) ang pag-atake ng mga umano’y miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Borongan, Eastern Samar.
Sa inilabas na pahayag, iginiit ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na ang pag-atake ay indikasyon na hindi sinsero ang CPP-NPA sa panunumbalik ng kapayapaan kasama ang gobyerno.
“This only shows the insincerity of the CPP-NPA to gove peace a chance,” ani Banac.
Tiniyak nito na hindi hahayaan ng PNP na lumipas lamang ang insidente nang walang ginagawang aksyon para maparusahan ang mga responsable sa krimen.
Nagparating din ng pakikiramay ang opisyal sa pamilya ng mga biktima.
Siniguro rin nito na patuloy na aalagaan ang mga biktima na patuloy na nagpapagamot sa ospital.
Nagpasalamat din si Banac sa ilang sibilyan na tumulong para isugod sa ospital ang mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.