BDO-Unibank, magsasagawa na upgrade activity bukas, Jan. 25

By Isa Avendaño-Umali January 24, 2016 - 08:58 AM

bdoMuling ipinaalala ng BDO Unibank na magkakaroon sila ng ‘upgrade activity’ na makaka-apekto sa ilang serbisyo ng kanilang mga bangko bukas ng Lunes (January 25).

Ayon sa BDO Unibank, ang kanilang upgrade ay bahagi ng staggered integration nito sa One Network Bank o ONB system.

Kinuha ng BDO Unibank ang ONB upang magkaroon ng access sa mataas na growth areas sa Mindanao at Panay, at market segments na kasalukuyang ‘underserved’ ng commercial banks.

Dahil dito, kabilang sa unavailable services ng BDO Unibank bukas ay ang: Personal and Business Online Banking; Moble and Phone Banking; Debit and Cash cards; at Remittance mula 12:15 ng madaling araw hanggang alas-singko ng umaga.

Unavailable din ang Automated Teller Machines o ATMs ng BDO Unibank mula 12:15 ng madaling araw hanggang alas-sais ng umaga.

Pinayuhan naman ng BDO Unibanks ang publiko na gawin na ng mas maaga ang kanilang banking transactions bago ang scheduled activity, upang maiwasan ang abala.

 

TAGS: BDO Unibank, BDO Unibank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.