Ika-15 death anniversary ni FPJ, ginunita ngayong araw

By Angellic Jordan December 14, 2019 - 03:50 PM

Dinalaw ni Senadora Grace Poe at ina na si Susan Roces ang puntod ng ama na si Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery, araw ng Sabado,

Ito ay kasabay ng paggunita ng 15th death anniversary ni FPJ.

Sa Facebook page ng senadora, sinabi nito na magpa-Pasko noong pumanaw ang kaniyang ama. Ito siguro aniya ang paraan ng kaniyang ama para laging maalala ang pagiging mapagbigay nito.

Nagdaos ng misa sa puntod ng tinaguriang “Hari ng pelikulang Pilipino” kasama ang anak ng senador na si Brian Llamanzares at ilan pang kamag-anak.

Dumalo rin sa misa ang mga tagahanga ni FPJ.

Nagpasalamat naman ang senadora sa walang tigil na pag-alala sa kaniyang ama.

TAGS: FPJ 15th death anniversary, sen grace poe, Susan Roces, FPJ 15th death anniversary, sen grace poe, Susan Roces

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.