CHR, mag-iimbestiga sa pag-atake ng NPA sa Eastern Samar

By Angellic Jordan December 14, 2019 - 03:26 PM

Magkakasa ang Commission on Human Rights (CHR) ng hiwalay na imbestigasyon sa pag-ambush ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Borongon, Eastern Samar.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na mariin nilang kinokondena ang pag-atake ng rebeldeng grupo na naging sanhi ng pagkasawi ng isang pulis at pagkasugat ng hindi bababa sa limang katao sa Barangay Libuton.

Ani de Guia, ang pag-atake ng NPA ay isang direktang paglabag sa international humanitarian law.

Mag-iimbestiga rin aniya ang CHR lalo’t may mga ulat na mayroong mga estudyante na sangkot sa insidente.

Samantala, umaasa aniya ang CHR na ang resulta ng inaasahang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo sa susunod na taon ay hudyat ng pagsisimula ng kapayapaan sa bansa.

Nagparating naman ng pakikiramay si de Guia sa pamilya at kaibigan ng nasawing pulis at iba pang biktima.

TAGS: Atty. Jacqueline Ann De Guia, CHR, NPA Attack, NPA attack in Eastern Samar, Atty. Jacqueline Ann De Guia, CHR, NPA Attack, NPA attack in Eastern Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.