Search and rescue ops sa nawawalang mangingisda sa Cavite, patuloy pa rin

Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang nawawalang mangingisda sa karagatang sakop ng Sangley Point, Cavite City.

Nakilala ang nawawalang mangingisda na si Ranier Fama, 28-anyos.

Ayon sa PCG, napaulat na nawawala si Fama noong Martes, December 10.

Huling nakita si Fama na nakasuot ng itim na long sleeves at jogging pants. Nakasakay din ito sa bangka na “Irish Sean.”

Katuwang ng rescue team ng Philippine Coast Guard Sub-Station (CGSS) sa Canacao sa operasyon ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa Cavite.

Inabisuhan naman ang mga mangingisda sa bisinidad at mga barangay sa probinsya na maging mapagmasid.

Sakaling may makita ang biktima, agad anilang i-report sa pinakamalapit na tanggapan ng PCG.

Read more...