Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, Easterlies o hangin mula sa dagat Pacifico at northeast monsoon o Amihan ang weather systems na nakakaapekto ngayon sa bansa.
Dahil sa Amihan, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora at Quezon.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, asahan ang maalinsangang panahon liban na lamang sa pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Sa Eastern Visayas at Caraga, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa Easterlies.
Sa Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao, maaliwalas ang panahon na may posibilidad pa rin ng pulo-pulong pag-ulan.
Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– northern coast ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– at Ilocos Norte