Easterlies magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao
Walang namamataang sama ng panahon o low pressure area (LPA) na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, Easterlies o hangin mula sa dagat Pacifico at northeast monsoon o Amihan ang weather systems na nakakaapekto ngayon sa bansa.
Dahil sa Amihan, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora at Quezon.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, asahan ang maalinsangang panahon liban na lamang sa pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Sa Eastern Visayas at Caraga, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa Easterlies.
Sa Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao, maaliwalas ang panahon na may posibilidad pa rin ng pulo-pulong pag-ulan.
Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– northern coast ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– at Ilocos Norte
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.