(Developing story) Nabalahaw sa runway 1331 o domestic runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang eroplano Sabado ng madaling-araw.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, bandang alas-3:43 ng madaling araw, isang Aircraft 320 ng Jetstar Airways ang nagkaroon ng excursion o nalihis ang direksyon.
Pa-take off o paalis na umano ang nasabing eroplano patungong Narita International Airport.
Pero lumampas sa bahagi ng runway 1331 ang nasabing eroplano at nabalahaw.
Ani Apolonio, ligtas naman ang lahat ng pasahero at agad na nadala sa Terminal 1 ng paliparan.
Sa ngayon, ang international runway lamang ng paliparan ang nagagamit.
Dahil sa insidente, isang biyahe ng Cebu Pacific ang hindi nakalapag at na-divert sa Clark International Airport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.