Pulisya sinimulan na ang preparasyon para sa Traslacion 2020

By Rhommel Balasbas December 14, 2019 - 05:57 AM

Nagsimula na ang paghahanda ng pulisya para sa pagdaraos ng Traslacion 2020 o prusisyon ng imahen ng Itim na Poong Nazareno.

Kahapon, araw ng Biyernes, pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas ang isinagawang pag-iikot sa mga daraanan ng andas ng Nazareno.

Ayon sa Southern Police District (SPD), mahalaga ang ginawang aktibidad para mabuo ang kailangang arrangements at maplano nang maigi ang deployment ng mga pulis.

Para rin ito sa paglalatag ng mga hakbang upang mapanatili ang peace and order sa nasabing pagdiriwang.

Ang prusisyon ng Nazareno ay nagsisimula sa Quirino Grandstand na dadaan sa maraming kalsada sa Maynila hanggang makarating sa Basilika ng Quiapo.

Inabot ng higit 20 oras ang Traslacion 2019 na ayon sa NCRPO ay dinaluhan ng nasa apat na milyong deboto.

TAGS: Itim na Nazareno, National Capital Region Police Office (NCRPO), Quiapo Basilica, security preparations, Traslacion 2020, walkthrough, Itim na Nazareno, National Capital Region Police Office (NCRPO), Quiapo Basilica, security preparations, Traslacion 2020, walkthrough

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.