2 patay, 16 sugatan sa pag-atake ng NPA sa Eastern Samar

Facebook photo

Nasawi ang isang pulis at isang sibilyan at 16 pa ang sugatan matapos ang pag-atake ng umano’y rebeldeng New People’s Army sa Brgy. Libuton, Borongan, Eastern Samar, Huwebes ng hapon,

Ayon sa Police Regional Office 8 (PRO-8), ang mga pulis na miyembro ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company (ESPMFC) ay patungo sanang Eastern Samar Police Provincial Office (ESPPO) Headquarters nang pasabugan ito ng improvised explosive device (IED) at paulanan ng bala ng mga terorista.

Pero damay din sa pag-atake ng NPA ang mga sibilyan na sakay ng dalawang tricycle at isang van.

Nasawi ang pulis na kinilalang si Patrolman Mark Jerome Rama at sugatan ang apat niyang mga kasamahan.

Patay din ang isang sibilyan at sugatan ang 12 iba kabilang ang tatlong menor de edad.

Mariing kinondena nina PRO-8 Director Brig. Gen. Ferdinand Divina at Eastern Samar Governor Ben Evardone ang insidente.

Read more...