Mga paring Katoliko, suportado ang bagong utos ng Papa sa “foot washing”

By Mariel Cruz January 24, 2016 - 08:52 AM

Pope foot washingSuportado ng mga paring Katoliko ang bagong kautusan ng Santo Papa na isama na ang kababaihan sa foot-washing ceremonies tuwing Huwebes Santo.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, ang naturang hakbang ni Pope Francis ay bahagi ng kanyang pagsisikap na gawing “inclusive” ang simbahang Katolika.

Sa panig naman ni Cagayan de Oro City Archbishop Antonio Ledesma, malugod nitong tinatanggap ang hakbang ng Santo Papa dahil magbibigay daan aniya ito para maging “multi-sectoral, multi-generational, at multi-face” ang naturang ritwal tuwing Huwebes Santo.

Kuwento pa ni Ledesma, gusto nilang maging bahagi rin sa ritwal na paghuhugas ng paa ang mga preso at maging ang mga Muslim sa kanilang lungsod.

Magugunitang noong Biyernes, nagpalabas ng kautusan si Pope Francis na bukas na para sa lahat partikular na sa mga babae at bata ang ritwal na foot-washing ceremony tuwing Huwebes Santo.

 

TAGS: Foot washing, pope francis, Foot washing, pope francis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.