Duterte nagbanta ng military takeover sa Maynilad at Manila Water

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte ng military takeover sa Maynilad at Manila Water bunsod ng mga anomalya sa 1997 water concession agreement.

Sa talumpati sa birthday celebration ni dating Senator Manny Villar noong Huwebes, sinabi ng pangulo na huwag siyang takutin ng water firms sakaling kanselahin ng mga ito ang kasunduan sa gobyerno.

“Last night I was talking to the PSG, sinabi ko sa kanila huwag niyo akong laruan na takut-takutin ninyo ako, ‘Sige, mag-sibat kami, bahala ka wala kayong tubig’. I will order the armed forces to operate your water,” ani Duterte.

Muling pinalutang ng presidente ang ideya na suspendihin ang writ of habeas corpus at ipaaresto ang mga umano’y nasa likod ng economic sabotage.

“‘Kapag niloko mo ako, niloko mo Pilipino. I will suspend the (privilege of the) writ of habeas corpus and I will arrest all of you. Gusto ko makita ang mga bilyonaryo na nakakulong,” ani Duterte.

“Where’s the big fish? O ito buwaya na itong p—inang ‘to dalawa (Maynilad and Manila Water),” dagdag ng presidente.

Ang pahayag ng presidente ay sa kabila ng sulat ng Maynilad at Manila Water kung saan kapwa nagsabi ang mga ito na handa silang makipagtulungan sa gobyerno sa pag-amyenda sa sinasabing maanomalyang mga probisyon ng concession agreement.

Read more...