Pulis, patay sa pag-atake sa Eastern Samar

Nasawi ang isang pulis makaraang atakihin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Borongan, Eastern Samar Biyernes ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office in Eastern Visayas (PRO-8), pinagbabaril ng hindi pa alam na bilang ng mga rebelde ang patrol car ng pitong pulis sa bahagi ng Barangay Libutan bandang 2:53 ng hapon.

Ang mga pulis ay mula sa Public Safety Force.

Sinundan ng pamamaril ang isang malakas na pagsabog ang narinig na pinaniniwalaang mula sa isang improvised explosive device (IED).

Dahil dito, nasawi si Patrolman Mike Rama habang sugatan naman ang limang iba pa.

Dinala ang mga sugatang pulis sa Eastern Samar Provincial Hospital.

Read more...