Concert ni Ian Veneracion, kinansela

PHOTO CREDIT: @ianveneracion1/INSTAGRAM

Kinansela ang napipinto sanang concert ng aktor na si Ian Veneracion.

Gamit ang kaniyang Instagram account, inanunsiyo ng aktor sa mga tagahanga na kanselado na ang “The MusicIAN on Stage” sa The Theatre at Solaire sa December 14.

Ito dahil aniya sa hindi inaasahang pagpanaw ng producer ng concert.

Maaari naman aniyang ma-refund ang mga nabiling ticket sa nasabing concert.

Humingi ng paumanhin si Ian sa insidente.

Read more...