Palasyo, may paalala sa Maynilad, Manila Water ukol sa pagtataas ng singil sa tubig
“All legal options are open to him.”
Ito ang naging paalala ng Palasyo ng Malakanyang sa Maynilad at Manila Water matapos magbanta na pagtataas ng 100 porsyento sa singil sa tubig.
Nagbanta ang dalawang water concessionaire makaraang i-revoke ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagpapalawig nang 15 taon ng kanilang concession agreements.
Sa inilabas na pahayag, iginiit ni Presidential spokesman Salvador Panelo na bukas kay Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng legal options ukol dito.
Dapat aniyang alalahanin na abogado ang pangulo kung kaya’t alam nito ang mga probisyon ng anti-graft law.
“It must be remembered that the President is a lawyer and a public prosecutor for many years hence knowledgeable on the provisions of the anti-graft law. An examination of the latter reveals that the contracts are on all fours with it. Stated differently, the agreements violate every prohibited act of the law,” ani Panelo.
Sinabi pa ng kalihim na hindi pa tinatanggap at patuloy pang pinag-aaralan ng pangulo ang alok ng dalawang water concessionaire ukol sa kontrata.
Hindi rin aniya tatakas ang Punong Ehekutibo sa constitutional duty nito para ipatupad ang batas.
“Neither will he be swayed nor enticed into accepting a compromise. Dura lex sed lex (It is harsh, but it is the law),” dagdag pa ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.