Pakiusap ng mistah ni Lt. Col. Marcelino, huwag muna itong husgahan
Umapela si dating Armed Forces of the Philipines o AFP Public Affairs Chief Col. Harold Cabunoc sa publiko na huwag agad husgahan ang ngayo’y kontrobersyal na si Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Ayon kay Cabunoc, mas makabubuti kung hayaan si Marcelino na maipagtanggol ang kanyang sarili sa proseso ng batas.
Sinabi ni Cabunoc na mataas ang kanyang pagtingin sa propesyonalismo at integridad ni Marcelino, na kanyang mistah sa PMA class 1994.
Bukod dito, ani Cabunoc, kilala niya sa Marcelino bilang ma-prinsipyo at may paninindigan.
Ayon pa sa dating AFP spokesperson, naiintindihan niya ang nararanasan at pananaw ni Marcelino na nag-udyok sa kanya nag awing personal ang laban kontra sa mga sindikato ng droga.
Dahil dito, hinimok ni Cabunoc ang lahat na magkaisa at magtulong-tulong sa pagsugpo sa droga, habang bigyan ng pagkakataon si Marcelino na maipaliwanag ang kanyang panig.
Matatandaan na naaresto si Marcelino noong nakaraang linggo, sa isang operasyon ng Drug Enforcement Agency at ng Philippine National Police – Anti Illegal Drugs Group sa isang hinihinalang shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila.
Gayunman, binigyang-diin ni Marcelino, na dating director ng Special Enforcement Service ng PDEA, na hindi niya kailanman magagawang traydurin ang mga Pilipino at sinabing ang pag-aresto sa kanya ang nakuha niya mula sa pagmamahal sa bansa at pagtatangkang sugpuin ang ilegal na droga sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.