Leonen, hiniling na mag-inhibit sa kaso ni Poe

By Ricky Brozas January 24, 2016 - 07:14 AM

justice leonen
Inquirer file photo

Pinag-iinhibit ng isa sa mga abugado na nagsulong ng kanselasyon ng kandidatura bilang pangulo ni Senador Grace Poe si Associate Justice Marivic Leonen sa paghawak sa kaso ng senadora.

Sa walong pahinang urgent motion, hiniling ni Atty. Estrella Elamparo ang voluntary inhibition ni Leonen.

Ito ay dahil nagkaruon na umano ng prejudgment sa kaso o lantarang pagkiling si Leonen kay Poe.

Ipinahiwatig umano ni Leonen ang pagkiling nang kanyang tukuyin sa gitna ng oral argument ang kanyang karanasan na lumaki nang walang ama at tila nakisimpatiya pa raw ito sa napakahirap na karanasan na dinanas ni Poe sa kanyang paglaki nang hindi nalalaman kung sino ang kanyang tunay na mga magulang.

Binanggit pa ni Elamparo sa kanyang mosyon ang emosyonal na mga pahayag ni Leonen nang kanyang ipaalala sa mga kapwa mahistrado na sila ay nasa tungkulin hindi bilang mga legalist kundi mga justices na nangangahulugan na sila ay dapat maging makatwiran.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.