12,000 delegado sa International Eucharistic Congress

IEC
CDN PHOTO/JUNJIE MENDOZA

Mga bigating pangalan sa Simbahang Katoliko ang inaasahang dadalo sa pagsisimula ngayong araw ng 51st International Eucharistic Congress (IEC) sa Cebu City.

Tinatayang aabot sa 12,000 delagates mula sa 71 na bansa ang dadalo sa IEC.

Alas 4:00 mamayang hapon, pormal na bubuksan ang IEC sa papamagitan ng isang misa sa Plaza Indepencia na pangungunahan ni Cardinal Charles Maung Bo, ang arsobispo ng Yangon sa Myanmar ang misa.

Ang Plaza Indepencia ay malapit lamang sa Fort San Pedro na pinakamatandang stone fort sa buonh bansa.

Si Bo na rin ang nagsisilbing kinatawan ni Pope Francis bilang papal legatee.

Una nang napabalita na dadalo ang Santo Papa sa IEC subalit nakansela ito dahil sa naunang pagdalaw sa mga nabiktima ng Bagyong Yolanda.

Aabot sa 1,500 na pari, 200 obispo at 10 cardinal ang magco-concelebrate sa misa.

Dalawang choir ang kakanta sa misa mamayang hapon. Ito ay ang Koro de San Agustin na mula pa sa Tuguegarao City at Christ the King Youth Symphony Orhestra na mula naman sa Calbayog, Samar.

Nabatid na mismong si Cebu Archbishop Jose Palma ang nag-imbita sa choir ng Calbayog dahil sa nagsilbi itong obispo roon bago nalipat ng Cebu.

Isang bulag ang magsisilbing lector at magbabasa ng scripture sa pamamagitan ng braile.

Huling ginanap ang IEC sa bansa may 79 taon na ang nakararaan.

Ayon sa organizers ng IEC, napili ang Cebu na venue dahil na rin sa pagiging cradle of Christianity nito o matibay na pananampalataya ng mga Cebuano.

Tema ng IEC ngayong taon ay “Christ in you, our hope of glory.”

Nabatid na ang temang ito ay kinuha sa sulat ni St. Paul sa mga Colossians.

Dahil sa gaganaping misa mamayang, alas 2:00 pa lamang ay isasara na ang mga kalsada na malapit sa Plaza Indepencia.

Tatagal ang IEC ng hanggang Enero 31.

Read more...