Magna carta for BPO employees muling isinulong sa Kamara ng Makabayan bloc
Muling isinusulong ng Makabayan Bloc sa Kamara ang panukala upang bigyan ng proteksyon ang mga manggagawa sa Business Process Outsourcing o BPO.
Sa House Bill 5754 ng Makabayan bloc, iginiit ng mga ito ang pagkakaroon ng maayos na sahod, security of tenure, sapat na breaks sa trabaho, medical benefits at karapatan na makapag-organisa ng union.
Nakasaad sa panukala na napagkakaitan din ng sapat na breaks ang mga BPO workers dahil kinakailangan nilang tutukan ang tuloy tuloy na pasok ng mga tawag.
Tumaas din ang bilang ng mga nasa BPO industry ang may sakit ng insomnia, fatigue, stress na nauuwi sa malalang pagkakasakit dahil sa sobra-sobrang pagtatrabaho.
Pinatitiyak ng panukala na maaayos ang working environment at hindi naaabuso sa trabaho ang mga Pilipino sa BPO industry.
Mayroon pa nga anila na mga BPO companies sa labas ng Metro Manila ang nagpapasahod sa mga newly-hired employees ng P5,000 habang sa NCR ay mayroong P12,500 kada buwan na sahod at nakadepende pa ang insentibo sa performance o quota na itinatakda sa mga empleyado sa call center.
Ang Pilipinas ay pangalawa sa may pinakamalaking BPO industry at nakapagtala ng $25 Billion na kita noong 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.