Traffic enforcer dead on the spot matapos mabangga ng SUV sa Davao City

Dead on the spot ang isang traffic enforcer habang rumeresponde sa isang aksidente matapos mabangga ng sasakyan sa Davao City, hapon ng Huwebes (December 12).

Nakilala ang nasawi na si Rey Sison na nabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) na mabilis ang takbo na minamaneho ng isang pulis.

Ayon sa imbestigasyon, nakatayo sa gitna ng kalsada sa bypass road ng Barangay Maa si Sison habang kinakausap ang mga sangkot sa nirerespondehang aksidente sa lugar nang mabangga ng SUV at dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon pa ang biktima sa isang van na iniimbestigahan nito.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang nakabanggang pulis.

Read more...