Padrino system sa PCSO, umiiral pa rin

By Ricky Brozas January 24, 2016 - 07:03 AM

PCSO
Inquirer file photo

Pinatotohanan ng isang transparency advocacy group ang nauna nitong isiniwalat hinggil sa diumano’y pag-padrino ni Philippine Charity Sweepstakes Chairman Ayong Maliksi sa kanyang mga kakilala at kaibigan para makakuha ng paborableng trato o preferential treatment mula sa ahensiya.

Iyan ay base sa nakuhang dokumento ng Filipino Alliance for Transparency and Empowerment o FATE kung saan inendorso umano ni Maliksi ang kaso ng kanyang constituent at confidential agent na si Celestino Aman kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas sa pamamagitan ng isang liham para makakuha ng mahigit dalawang milyung pisong ayuda.

Ayon kay FATE president Jennifer Castro, malinaw na ang ginawa ni Maliksi ay taliwas sa pagbatikos niya noon sa ilang mga opisyal ng PCSO dahil din sa pabor na ibinibigay sa ilang piling indibiduwal.

Tanong tuloy ni Castro, sino ba talaga sa mga taga PCSO ang nagbibigay ng preferential treatment?

Matatandaan na una nang binatikos ng FATE ang paggamit ni Maliksi sa kanyang poder para bayaran ang mahigit dalawang milyung pisong bayarin sa ospital ng kanyang drayber.

Ginamit din umano ng PCSO chair ang priority development assistance fund o pdaf ni Cavite Rep. Alex Advincula para makumoleto ang bayarin sa ospital ng kanyang dating drayber na umabot sa P2.85 million.

Dagdag pa ni Castro, masayang tumulong ngunit mas maganda sana kung mas marami ang makikinabang sa pondong nakalaan sa mga higit na nangangailangan.

TAGS: Padrino system, pcso, Padrino system, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.