Warehouse natupok ng apoy sa Maynila

By Rhommel Balasbas December 13, 2019 - 06:25 AM

Courtesy of Leonill Lorenzo Zabala | Blue Dragon Fire Brigade

Sumiklab ang sunog sa isang warehouse sa Earnshaw St., Gagalangin, Tondo, Maynila, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa warehouse na pagmamay-ari ng Standard Realty Corp. at Asiawide Industrial Corp. alas-6:20 ng gabi.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at higit pitong oras bago ito tuluyang naideklarang under control.

Naging pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil may mga light materials na nakaimbak sa warehouse gaya ng karton at foam.

Walang nasaktan sa insidente.

Gayunman, nadamay sa sunog ang ikalawang palapag ng headquarters ng Blue Dragon Fire Brigade na nagsisilbing barracks ng mga bumbero.

Aabot sa P3 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog sa ari-arian.

TAGS: gagalangin, Maynila, second alarm, sunog, Tondo, warehouse fire, gagalangin, Maynila, second alarm, sunog, Tondo, warehouse fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.