Amihan umiiral sa Luzon; easterlies nakaaapekto sa eastern sections ng Visayas at Mindanao

By Rhommel Balasbas December 13, 2019 - 05:48 AM

Patuloy na umiihip ang northeast monsoon o Amihan sa buong Luzon habang easterlies naman ang nakaaapekto ngayon sa malaking Visayas at Mindanao.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora at Quezon dahil sa Amihan.

Bagama’t apektado rin ng Amihan, ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay makararanas lamang ng pulo-pulong mga pag-ulan.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat naman ang dala ng Easterlies sa Visayas, Caraga at Palawan.

Nagbabala ang PAGASA ng posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga sandaling malakas ang ulan.

Sa nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang generally fair weather na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng:
– Batanes
– Northern coast ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– at Ilocos Norte

TAGS: easterlies, northeast monsoon o Amihan, Pagasa, weather forecast, easterlies, northeast monsoon o Amihan, Pagasa, weather forecast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.