Sa panayam ng media araw ng Huwebes, sinabi ng senador na hindi dapat maging dahilan ang overall championship ng Pilipinas para hindi tingnan ang posibleng kalabisan sa paghawak sa regional meet.
“Huwag natin basta ipikit ang mata natin dahil very successful ang performance ng atleta. Huwag nating kalimutan ang possible excesses, hindi ko sinasabing meron, pero dapat patingnan din para hindi na maulit o kaya magkaroon ng kaukulang panukalang batas o legislation para macorrect,” ani Lacson.
Ayon pa sa senador, maaaring ipagpatuloy ang imbestigasyon ng Senado kahit may ginagawang sariling pagsisiyasat ang Office of the Ombudsman.
“Dati na natin ginagawa. For all we know baka makatulong ang investigation ng Senado sa fact-finding investigation na ginagawa ng Ombudsman. Kasi may nangyari in the past na yung proceeds o result ng investigation ng Senate nagamit ng Ombudsman o Sandiganbayan,” ayon pa sa senador.
Wala anyang kinalaman ang organizing committee sa tagumpay ng mga atleta ng bansa.
Resulta anya ito ng pagsisikap ng mga manlalaro at ng kanilang mga coaches at sponsors.
“Dati na natin ginagawa. For all we know baka makatulong ang investigation ng Senado sa fact-finding investigation na ginagawa ng Ombudsman. Kasi may nangyari in the past na yung proceeds o result ng investigation ng Senate nagamit ng Ombudsman o Sandiganbayan,” giit ni Lacson.
“Dati na natin ginagawa. For all we know baka makatulong ang investigation ng Senado sa fact-finding investigation na ginagawa ng Ombudsman. Kasi may nangyari in the past na yung proceeds o result ng investigation ng Senate nagamit ng Ombudsman o Sandiganbayan,” dagdag nito.
Gayundin ay walang kinalaman ang mga atleta sa posibleng korapsyon ng PHISGOC.
“Dati na natin ginagawa. For all we know baka makatulong ang investigation ng Senado sa fact-finding investigation na ginagawa ng Ombudsman. Kasi may nangyari in the past na yung proceeds o result ng investigation ng Senate nagamit ng Ombudsman o Sandiganbayan,” giit pa nito.
Malaking kwestyon ayon kay Lacson ang paglagak sa pondo ng gobyerno sa PHISGOC na isang pribadong foundation.
“Malaking question kasi government fund ‘yan hindi mo pwede ilagak sa isang private foundation. ‘Yan ang dapat tingnan even for the purpose of legislation, mag-inquire kung tama ba ‘yan at kung talagang necessity ‘yan baguhin natin ang batas, ang procurement law,” ani Lacson.
“Otherwise, mukhang may mali roon. Kasi di ba may na-convict na riyan? Example si former governor Grace Padaca, ‘yung pondo ng provincial government nalipat sa private foundation, na-convict siya. Si (Janet) Napoles, pork ng mga kongresista at senador napunta sa private foundation, may kaso ngayon,” dagdag pa nito.
Ayon sa senador, wala dapat maabswelto sa imbestigasyon dahil walang nakatataas sa batas.