Jose Alan Dialogo inordinahan na bilang bagong obispo ng Diocese of Sorsogon
Idinaos ang Episcopal Ordination ni Jose Alan V. Dialogo bilang bagong obispo ng Diocese of Sorsogon, sa Manila Cathedral araw ng Huwebes.
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang seremonya sa harap 30 obispo at daan-daang mananampalataya.
Magugunitang noong October 15, napili ni Pope Francis si Dialogo bilang kapalit ni Bishop Arturo Bastes na nagretiro na noong Oktubre.
Si Dialogo, 57 anyo,s ay 23 taon nang pastol sa Archdiocese of Manila at nagsilbing director ng isang bahay-pari.
Kahit katatapos lang manalasa ng Bagyong Tisoy, daan-daang mga deboto sa Sorsogon ang bumyahe patungong Maynila para lamang matunghayan ang ordinasyon ng kanilang bagong obispo.
Ani Dialogo, ang presenya ng mga taga-Sorsogon ay nagpapakita lamang ng mainit na pagtanggap sa kanya ng diyosesis.
Aminado ang bagong obispo na hindi siya karapat-dapat sa pwesto ngunit siya ay hinirang ng Diyos para rito.
Pormal na hahawakan ni Bishop Dialogo ang Diyosesis ng Sorsogon matapos ang rito ng canonical possession sa December 14 sa Cathedral of Saints and Peter and Paul.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.