P10M halaga ng hot meat mula China nasabat sa Maynila
Nasabat ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) ang 10.3 toneladang hot meat mula sa China matapos salakayin ang isang warehouse sa Tondo, Maynila, araw ng Huwebes.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kabilang sa mga nakumpiska ay peking duck at iba’t iba pang karne na nakasilid sa mga kahon na may Chinese characters.
Nasa P10 milyon umano ang halaga ng mga ito.
Pangamba ng alkalde, makaaapekto na nga sa local hog raisers ang naturang mga produkto ay wala pang katiyakan kung ligtas itong kainin ng taong-bayan.
Pagmamay-ari ang warehouse ng isang Daniel Yulo na kasalukuyang wala sa loob ng bansa.
Nagbabala ang alkalde na isasampa ngayong araw ang criminal charges laban sa mga may-ari ng hot meat.
Ayon kay Manila VIB chief Dr. Nick Santos, kadalasang pinagmumulan ng Avian flu at African Swine Fever ang mga ganitong uri ng karne.
Ipadadala sa National Meat Inspection Service (NMIS) ang nakumpiskang mga karne.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.