M3.0 na lindol naitala sa Davao Occidental
By Rhommel Balasbas December 13, 2019 - 02:14 AM
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-2:01 Biyernes ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 82 kilometro Timog-Silangan ng Don Marcelino.
May lalim ang pagyanig na 16 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.