7 arestado sa buy-bust operation sa Rizal

Arestado ang 7 na kinabibilangan ng 3 na lalaki at 4 babae sa isinagawang buy-bust operation ng Marikina City Police sa isang subdivision sa Barangay Eastwood sa Rodriguez, Rizal, Huwebes (December 12).

Ayon kay Police Lt. Elmer Rigonan, hepe ng Marikina Police Station Drug Enforcement Unit, nasa 250 grams ng kontrabando ang nakumpiska mula sa mga suspek na tinatayang nagkakahalaga ng 1.7 milyong piso.

Dagdag pa ni Rigonan, apat sa mga suspek ang high-value target ng mga otoridad.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...