3 arestado sa buy-bust operation sa Zamboanga City

By Mary Rose Cabrales December 12, 2019 - 11:48 PM

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga otoridad sa isang pension house sa Camins Avenue sa Zamboanga City, Huwebes ( December 12).

Arestado ang tatlo katao kabilang na ang isang babae sa isinagawang operasyon.

Nasabat sa mga suspek ang aabot sa 6.8 milyon pisong halaga ng shabu.

Ayon kay Jury Rocamora ng PDEA-9, katulad umano ang packaging ng drogang nasabat sa dating nakuha nila sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tumaga.

Dagdag pa ni Rocamora na base sa packaging ng iligal na droga, malaki ang posibilidad na mula ito sa mga bansang miyembro ng Golden Triangle.

Nahaharap ang mga suspek sa ksong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: drug buy bust operation, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002., Zamboanga City, drug buy bust operation, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002., Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.