Lalaking humarang sa presidential motorcade ng Kenya para humingi ng trabaho, inaresto

By Rose Cabrales December 12, 2019 - 04:55 PM

Arestado ang isang lalaki matapos harangan ang convoy ng presidente ng Kenya para humingi ng trabaho.

Nakilala ang naaresto na si Univalies Nyabuto na humarang sa motorcade ni President Uhuru Kenyatta.

May hawak na placard si Nyabuto na may nakalagay ng kanyang kagustuhan na makabilang sa defense forces ng Kenya.

Ang nakalagay sa placard ay: “Your Excellency, kindly offer [me] a chance to join the Kenya Defense Forces”.

Humingi rin naman ng paumanhin si Nyabuto sa kanyang ginawa ngunit agad din siyang inaresto at dinadala sa istasyon ng pulis matapos ang insidente at kinumpiska rin ang kanyang placard.

Patungo si President Kenyatta sa State House matapos dumalo sa dalwang araw na summit para sa African, Caribbean and Pacific (ACP) Groups of States sa Kenyatta International Convention Center.

TAGS: Kenya Defense Forces, President Uhuru Kenyatta, Kenya Defense Forces, President Uhuru Kenyatta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.