Outgoing Papal Nuncio Archbishop Gabriele Caccia ginawaran ng Order of Sikatuna award ni Pangulong Duterte

By Chona Yu December 12, 2019 - 01:00 PM

Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu si outgoing Apostolic Nuncio of the Holy See to the Philippines archbishop Gabriele Caccia.

Ginawa ng pangulo ang pagbibigay parangal sa farewell call kagabi sa Palasyo ng Malakanyang.

Nagkaroon ng light moment sina Pangulong Duterte at Archbishop Caccia.

Matatandaang hindi naging maganda ang relasyon ni Pangulong Duterte sa Simbahang Katolika dahil sa pagpuna sa kanyang madugong kampanya kontra sa illegal na droga.

Ilang Obispo na rin ang minura ni Pangulong Duterte gaya halimbawa ni Caloocan bishop Pablo David.

Pero nitong mga nakahuling buwan, wala nang banat si Pangulong Duterte sa Simbahang Katolika.

TAGS: farewell call, Order of Sikatuna award, Outgoing Papal Nuncio Archbishop Gabriele Caccia, Pangulong Duterte, farewell call, Order of Sikatuna award, Outgoing Papal Nuncio Archbishop Gabriele Caccia, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.