Judy Ann Santos nagwagi ng best actress trophy sa isang International Film Festival

By Rose Cabrales December 12, 2019 - 03:48 PM

Nagwagi ng best actress trophy ang aktres na si Judy Ann Santos sa ika-41 Cairo International Film Festival.

Bumida ang aktres sa pelikula ni Direk Brillante Mendoza na Mindanao na isa sa mga official entry sa 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF) na ipalalabas sa araw ng Pasko sa mga piling sinehan sa bansa.

Hindi makapaniwala at sobrang saya ng aktres nang mahawakan niya ang kanyang best actress trophy noong Lunes (December 9) sa celebrity screening ng pelikulang “Mindanao”.

Ang celebrity screening ay dinaluhan ng iba’t ibang personalidad, mga mahal sa buhay ni Judy Ann at iba pa.

Ang “Mindanao” ay kwento ng isang ina na Muslim na inaalagaan ang kanyang anak na may cancer sa Davao habang ang kanyang asawa ay isang sundalo na lumalaban sa mga rebelde sa Maguindanao.

TAGS: 2020 Metro Manila Film Festival (, direk Brillante Mendoza, ika-41 Cairo International Film Festival., Judy Ann Santos, pelikulang Mindanao, 2020 Metro Manila Film Festival (, direk Brillante Mendoza, ika-41 Cairo International Film Festival., Judy Ann Santos, pelikulang Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.